Sagupaan ng militar at Abu Sayyaf sa Basilan, kinondena

SHARE THE TRUTH

 262 total views

Kinondena ni Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang naganap na madugong engkwento sa pagitan ng mga militar at miyembro ng bandidong Abu Sayaff sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon sa Obispo, nakagagalit ang patuloy na karahasan sa lalawigan na patuloy na nagdudulot ng tensyon sa mga mamamayan.

Bukod dito, nagpahayag rin ng pakikiramay si Bishop Jumoad sa nananatiling hindi pa tiyak ang bilang ng mga sundalong namatay sa sagupaan.

“Tensyon pero at the same time naaawa sa mga sundalong namatay at parang galit din kung bakit nagkaganito ang nangyari, so yun ang mga mix feelings namin dito sa Isabela, ang narinig ko 18 soldiers, may nagsabi na ngayon may mga 30 na daw, pero hindi pa confirm pero wala pang mga update talaga..”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas

Inihayag ng Obispo na wala pang sapat na impormasyong inilalabas ang lokal na pamahalaan ng Basilan kaugnay sa naganap na engkwentro habang patuloy ring ang kanilang pag-antabay sa sitwasyon sa kanilang lugar. Kaugnay nito, sa inisyal na ulat ng AFP-Western Mindanao Command, 18-sundalo at 5-Abu Sayyaf ang nasawi sa mahigit 10-oras na sagupaan.

Kinumpirma naman ni Bishop Jumoad na patuloy pa rin ang pagdating at pag-ikot ng ilang helicopter sa lugar na nakasanayan na aniya ng mga mamamayan na hudyat ng pagkakaroon ng engkwentro sa lugar.

Una ng naitala ng Internal Displacement Monitoring Center ang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,843 total views

 8,843 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,487 total views

 23,487 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,789 total views

 37,789 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,562 total views

 54,562 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,058 total views

 101,058 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 15,705 total views

 15,705 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 10,580 total views

 10,580 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top