Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senador Padilla, nanindigan sa pag-amyenda ng economic provision ng 1987 constitution

SHARE THE TRUTH

 3,365 total views

Nanindigan si Senator Robin Padilla na nararapat baguhin ang ilang probisyon sa Saligang Batas para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Sa panayam ng Radio Veritas binigyang diin ng chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na dapat amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution sapagkat sinasamantala lamang ito ng iilang indibidwal lalo na ang larangan ng pagni-negosyo.

“Magandang maunawaan ng mga mamamayan na itong isinusulong natin na amyenda sa economic provision ay para magkaroon ng magandang kompetisyon sa negosyo at magkaroon ng maraming trabaho ang ating mga kababayan,” pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

Nitong March 9, 2023 nagsagawa ng ikalawang public hearing ang komite ni Padilla na ginanap sa Baguio City upang alamin ang panig ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor dito sa usapin ng charter change.

Sa nasabing pagtitipon kapwa sinang-ayunan ng opisyal ng. National Economic Development Authority o NEDA at ng Commission on Elections kung sa prosesong Constituent Assembly o Con-Ass ang paraan ng pag amyenda sa halip na Constitutional Convention.

Ayon kay Neda Director of Governance Staff Atty. Reverie Pure Sapaen nasa 46-milyong piso ang gagastusin ng pamahalaan kung isasabay ang plebesito ng Con-Ass sa Barangay at SK Elections habang halos 14 na bilyong piso naman kung ihihiwalay.

Sinabi pa ni Sapaen na kung Constitutional Convention naman aabot sa 15-bilyong piso ang pondong kakailanganin kasabay ng Barangay Elections habang halos 29 na bilyong piso kung ihiwalay sa halalan.

Samantala iginiit ni Padilla na bagamat hindi tugma ang ninanais ng dalawang kapulungan ng kongreso iisa pa rin ang hangarin nitong repasuhin ang nilalaman sa economic provisions.

“Medyo dito sa dalawang bagay [Con-Ass at Con-Con] naghihiwalay ang dalawa [Kapulungan]. Pero ang magandang balita parehas po na gustong magkaroon ng amyenda sa Saligang Batas,” ani Padilla.

Kamakailan ay nagkasundo ang 301 mambabatas ng mababang kapulungan para sa Constitutional Convention na proseso ng pag amyenda sa konstitusyon.

Bago ang public hearing sa Baguio City nagsagawa ng awareness ride o Arangkada para sa Chacha si Padilla kasama ang grupo ng mga bikers mula Tarlac patungong Baguio at nag courtesy call din ito kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tiniyak ang suporta sa amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.

Gayunpaman nanindigan ang simbahan na hindi pa napapanahon pagtuunang pansin ang pagbabago ng konstitusyon sa halip ay tutukan ang pangunahing suliranin ng bansa tulad ng kahirapan, kagutuman, kawalang sapat na kita at patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

May magagawa tayo

 23,127 total views

 23,127 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 29,173 total views

 29,173 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 37,841 total views

 37,841 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 46,020 total views

 46,020 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 41,704 total views

 41,704 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,981 total views

 6,981 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,588 total views

 12,588 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,743 total views

 17,743 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top