6,722 total views
Malugod na ibinahagi ng Immaculate Conception Parish ng Oslob Cebu ang pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng Papal Basilica of Saint Mary Major sa Roma.
Ayon kay Fr. Jonald Concha, ang kura paroko ng parokya, ang pagkakaroon ng special bond of affinity ng parokya sa papal basilica ay tanda ng mas higit na pagpapalawak ng misyon ng simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
“This affiliation is a blessing for our parish and a reminder of our shared commitment to spreading the Gospel and serving our community,” ayon sa pahayag ni Fr. Concha.
Sinabi ng pari na March 4, 2025 naging epektibo ang ugnayan ng dalawang simbahan na isinapubliko lamang ito nitong April 10.
Unang isinumite ni Fr. Concha ang petition for affiliation kay Cebu Archbishop Jose Palma kung saan binigyang ito ng endorsement habang personal na inihatid ni Christian Bonpua ng National Historical Commission of the Philippines sa Apostolic Nunciature sa Manila ang mga dokumento para hilingin ang ugnayan na kalauna’y kinatigan ng Archpriest ng Major Basilica.
“The affiliation is expected to strengthen the spiritual connections with the global Catholic community and deepen the devotion to the Mother of God. The whole parish community look forward to fostering this new relationship and exploring opportunities for spiritual growth and collaboration,” dagdag ng pari.
Bukod dito sumulat din sa parokya si Cardinal Rolandas Makrickas ang Coadjutor-Archpriest ng Papal Basilica kung saan sinabing pagkakalooban ito ng ‘brick’ na mula sa Holy Door ng Saint Mary Major Basilica.
Dahil sa ugnayan ng dalawang simbahan ang mga parishioners at bawat perigrinong dadalaw sa parokya ay nakikiisa na rin sa spiritual life ng basilica kabilang na ang mga pagdiriwang ng liturhiya at iba pang devotional practices.
Ayon sa kasaysayan ang parokya ay itinatag ni Fr. Julian Bermejo, OSA ayon sa desinyo ni Bishop Santos Gomez Maraño noong 1830 at natapos taong 1847 at ganap na naging parokya January 8, 1848.
Idineklara ng National Historical Commission of the Philippines ang parokya bilang heritage church at nilagyan ng tanda noong September 23, 2022 habang May 2023 naman nang ideklarang National Cultural Treasure ng National Museum of the Philippines.