Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tapat na paglilingkod, hamon sa mga nahalal na opisyal

SHARE THE TRUTH

 531 total views

Umaapela si Tandag Bishop Raul Dael sa mga naihalal na kandidato na maglingkod ng tapat sa bayan at sa bawat mamamayan.

Ayon sa obispo hindi dapat sayangin ng mga halal na opisyal ang pagkakataong ibinigay ng sambayanan upang ipagkatiwala ang pamamahala sa bayan.

“Sa mga napili nga mga kandidato, ang inyong kadaugan mao ang kahigayonan sa pag-alagad alang sa tanan. Patilawa ang katawhan sa serbisyo nga walay pagpihig [Sa mga nahalal na kandidato ito ang inyong pagkakataon para maglingkod sa bayan. Ipakita ninyo sa mamamayan ang serbisyong walang kinikilingan],” bahagi ng pagninilay ni Bishop Dael.

Inihayag ni Bishop Dael na kaakibat ng pagiging halal na opisyal ang paanyayang maging punong lingkod sa bawat nasasakupang mamamayan.

Bagamat nai-proklama na ang mga nanalong kandidato sa local position ay nagpapatuloy naman ang kongreso at Commission on Elections sa canvassing ng mga balota para sa national positions.

Sa parallel partial/unofficial count ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nangunguna si Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. at Vice Presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Apela ni Bishop Dael sa mga napiling kandidato na abutin ang bawat mamamayan maging ang hindi sumuporta noong eleksyon.

“Reach out to those who did not vote for you. Show goodness and respect to your opponents,” ani Bishop Dael.

Isinantabi naman ng COMELEC ang mga naiulat na iregularidad sa halalan kung saan ayon sa parallel count ng PPCRV nasa 98-percent ang match rate nito habang may halos dalawang porysentong election returns ang kinakailangang isailalim sa re-validation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,533 total views

 14,533 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,201 total views

 23,201 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,381 total views

 31,381 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,395 total views

 27,395 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,446 total views

 39,446 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,600 total views

 5,600 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,207 total views

 11,207 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,362 total views

 16,362 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top