204 total views
Pinaburan ni Lipa, Batangas Archbishop Emeritus Ramon Arguelles ang naging desisyon ng Korte Suprema na ibalik ng Department of Finance at Bureau of Internal Revenue ang tax credit sa mga minimum wage earner na pinatawan ng income tax mula July 2008.
Ayon kay Archbishop Arguelles, dapat na i – refund ang naturang pera dahil malaking ginhawa ito sa mga minimum wage earner na kinaltasan ng 13th month pay at iba pang bonus at benepisyo.
“Nararapat na ibalik sa kanila ang kinaltas sa dahil malaki ang tulong nito, hirap na hirap na nga sila sa kanilang trabaho.”pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit ng Korte Suprema na umabuso ang B-I-R sa probisyon ng BIR regulations kaugnay sa pagbubuwis sa minimum wage earners sa kabila nang pagpapatupad ng Republic Act 9504.
Sa ilalim ng RA-9504 ang arawang kita ng minimum wage earners kasama ang holiday pay, overtime pay, night shift differential pay at hazard pay ay dapat na exempted sa withholding tax.
Positibo din ang iba’t-ibang labor groups sa kautusan ng Korte Suprema.
Read:
http://www.veritas846.ph/tax-refund-sa-mga-minimum-wage-earners-malaking-ginhawa-sa-mga-manggagawa/
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika kinakailangan na makatanggap ng living wage o nakabubuhay na sahod ang bawat manggagawa.