30-pesos na flagdown rate sa mga taxi, ipapatupad sa ika-19 ng Marso, 2016

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na tuloy na ang implementasyon ng 10-pisong rollback sa flag down rate sa taxi at maging sa mga airport taxi sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Public Assistance and Complaints Desk Head Arnel del Rio, epektibo na ang bagong singil sa mga taxi sa ika–19 ng Marso.

Gayunman, nilinaw ni del Rio na hindi kabilang sa bagong flag down rate ang Cordillera Administrative Region.

“Ang flag down rate na ibinaba natin mula 40-pesos sa bagong flag down rate na 30-pesos ay permanent na po ito, yun po kasing ginawa natin dati ito po ay probitional lamang at tiningnan po ng LTFRB ang galaw ng Fuel price ng mundo partikular na po dito sa Pilipinas kung paano poi to nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na gastusin at nakita po natin na talagang kailangan ng i-adjust ng permanente ang presyo o ang pamasahe po unahin muna natin yung sa taxi..”pahayag ni del Rio sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, hinimok naman ng LTFRB ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga taxi driver na hindi susunod sa tamang singil.

“Ang violation po sa hindi susunod ay overcharging, meron po itong multa na P5,000 sa unang pagkakataon at ang kailangan lang po gawin ng ating mga pasahero ay itawag sa aming 24/7 Hotline Number 1342, meron pong sasagot dyan 24/7 po..” dagdag pa ni Del Rio.

Sa tala ng LTFRB, umaabot sa mahigit 800 ang mga reklamo noong 2015 dahil sa mga taxi drivers na sobra ang isinisingil sa pamasahe.

Kaugnay nito, nanawagan ang CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mga taxi operators sa bansa, na babaan rin ang boundary bilang pagsasaalang – alang sa kita ng kanilang mga empleyadong driver, na apektado rin sa pagbaba ng pasahe bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, kinakailangang may batayang moral ang anomang uri ng paggalaw sa presyo ng bilihin at hindi dapat ito makakaapekto sa kapakanan ng ordinaryong mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,110 total views

 14,110 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,630 total views

 31,630 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,206 total views

 85,206 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,447 total views

 102,447 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 116,936 total views

 116,936 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,561 total views

 21,561 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,748 total views

 24,748 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top