Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 445 total views

Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis.

Payo ng opisyal ng Vatican kay Cardinal Advincula na manatiling tapat na pastol ng Panginoon na nakahandang maglingkod sa bayan ng Diyos.

“Cardinal Joe, don’t worry, you are God’s gift as you are and be who you are; ikaw ay tinawag ng Diyos para maglingkod at ikaw ang ibinigay sa napakabuhay na sambayanan ng Archdiocese of Manila,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Umaasa naman ang dating arsobispo na magkaisa ang mananampalataya sa pagtanggap ng bagong pinunong pastol ng arkidiyosesis at ipakita ang buhay na pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging tapat na pagganap sa tungkulin bilang kristiyano at bahagi ng simbahan.

“Sana makita ni Cardinal Joe [Advincula] ang isang sambayanang buhay, isang tunay na bayan ng Diyos, katawan ni Kristo at templo ng Espiritu Santo upang maramdaman niya na marami siyang kasama at hindi siya maglalakad at magtatrabaho na mag-isa,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hamon pa ni Cardinal Tagle sa mahigit tatlong milyong mananampalataya ng arkidiyosesis na seryosohin ang pakikinig sa Salita ng Diyos upang maisabuhay ito sa komunidad na kinabibilangan.

Sinabi pa nitong dapar seryosohin ang pananalangin at sakramento at higit sa lahat pagnilayan kung anong kaloob ang taglay ng bawat isa na maaring ibahagi sa kabuuang simbahang katolika.

Marso ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang kahalili ni Cardinal Tagle makaraang italaga ito sa Vatican.

Magiging katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa sa 86 na mga parokya ng arkidiyosesis ang mahigit sa 600 mga pari at religious men and women.

Ang kabuuang pagdiriwang sa pagtatalaga ay matutunghayan sa social media pages ng The Manila Cathedral, TV Maria at Radyo Veritas Ph habang mapakikinggan din sa himpilan mula alas otso hanggang alas onse ng umaga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 293 total views

 293 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,113 total views

 15,113 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,633 total views

 32,633 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,206 total views

 86,206 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,443 total views

 103,443 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,427 total views

 22,427 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,198 total views

 26,198 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top