170 total views
Nanindigan ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa resulta ng kanilang mahigit isang buwang mining audit.
Bumuo ang DENR ng 16 na grupong sisiyasat sa 41 Metalic operating mines sa bansa kung saan 20-ang sususpendihin ang mining operations at 11 lamang ang pinayagang magpatuloy sa kanilang operasyon.
Samantala, nilinaw ni DENR Secretary Gina Lopez na wala itong galit sa industriya ng pagmimina.
Ipinaliwanag ng kalihim na nais lamang niya ng maayos na mining operation na hindi makasisira ng kalikasan at makabubuti para sa bawat isa.
“The issue today is the mining and I want to make it clear I have no vehement with mining industry I am not against mining but I am vehemently against the adverse effects that may happen, that are happening in some of situation. The commitment must! must! must be, for the common good,” pahayag ni Lopez.
Naunang sinuspende ng DENR ang 10-mining operations sa Zambales, Palawan, Bulacan at Surigao del Norte matapos mapatunayang nagdudulot ng matinding environmental degradation.
Mariin ding kinukondena ng Santo Papa ang industriya ng pagmimina dahil sa hindi makatarungang gawain nito na nag-iiwan ng labis na pinsala sa kalikasan, kabuhayan, at kalusugan ng mamamayan.