Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magtiwala sa kapangyarihan ng Panginoon, apela ng Papal Nuncio sa mananampalataya Kasabay ng malakas na lindol na naganap sa Turkiye at Syria, hinimok ng opisyal ng simbahan ang mamamayan na tuwinang magtiwala sa kapangyarihan ng Panginoon.

SHARE THE TRUTH

 4,883 total views

Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang trahedya na tulad ng lindol ay natural na kalamidad.

Paliwanag pa ni Archbishop Brown, ito ay nagpapaalala sa bawat isa na kinakailangan natin ang Panginoon sa ating buhay.

“Any kind of natural disaster like this one helps us to realize and understand the precariousness of human existence the fact that we are fragile and we need to rely on God,’’ ayon pa sa arsobispo.

Hinikayat naman ng nuncio ang bawat mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kanilang kalagayan, gayundin ang kalakasan ng mga patuloy na naghahanap ng mga maililigtas mula sa mga gumuhong bahay at gusali na dulot ng lindol.

“We pray for these poor people and we also pray for the work of the rescuer, they spent so many days that is probably be unlikely if anyone else can be found alive but you never know because miracles do happen,” dagdag pa ni Archbishop Brown.

February 6 nang yanigin ng 7.8 magnitude na lindol ang Turkiye at Syria na nasundan pa ng isang malakas na pagyanig kung saan hindi bababa sa 30-libong katao ang naitatalang nasawi mula sa dalawang bansa.

Kasama din sa bilang ng mga nasawi ang dalawang Filipino workers mula sa Turkey.

Inilunsad naman ng iba’t ibang charitable institution ng simbahan ang panawagan para sa pagtulong sa mga biktima ng lindol kabilang na ang Pontifical Missionaries, Caritas International, at Caritas Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,370 total views

 24,370 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,038 total views

 33,038 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,218 total views

 41,218 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,966 total views

 36,966 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,016 total views

 49,016 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top