Mga kandidato, hinamon ng Obispo na protektahan ang kapakanan ng katutubo

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na matugunan ng mga susunod na lider ng bansa ang suliraning kinakaharap ng mga katutubo.

Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Indigenous Peoples, dapat na mabigyang-pansin ang mga katutubo lalo na sa usapin ng pagpapaunlad kung saan maaapektuhan ang kanilang komunidad.

Ito ang pahayag ng obispo kaugnay sa kinakaharap na suliranin ng mga katutubong Dumagat-Remontado na apektado ng mega-billion Kaliwa Dam project.

“Hoping that the next national leaders will investigate what [National Commission on Indigenous Peoples] had done to manipulate the outcome,” pahayag ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas.

Matatandaang nitong January 28 ay nilagdaan na ang Memorandum of Agreement para sa proyekto sa pagitan ng mga katutubo at Metropolitan Waterworks and Sewerage System at NCIP, subalit hindi dumaan sa wastong proseso at pagpapaliwanag sa mga katutubo.

Mariing kinundena ng mga Dumagat-Remontado ang tila pagmanipula ng pamahalaan sa desisyon.

Iginiit naman ni Bishop Dimoc na isama rin sa mga layunin ng mga susunod na pinuno ng bansa ang pagrebisa at pagpapatibay sa free, prior and informed consent (FPIC) para sa mga katutubo.

Ito’y upang mas mapangalagaan ang karapatan ng bawat katutubo sa anumang desisyon o proyekto na makakaapekto sa kanilang pinakakaingatang yaman at lupain.

“The only hope as of now is the next set of national leaders to have the FPIC process be reviewed,” saad ni Bishop Dimoc.

Nauna nang nanawagan si Father Pete Montallana, OFM, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA) sa mga kakandidato para sa 2022 National and Local Elections na manindigan laban sa pagtatayo sa Kaliwa Dam.

Ang proyekto ay bahagi ng New Centennial Water Source program ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P12-bilyon at sinasabing makakatulong upang mabawasan ang kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila.

Kung ito’y magpapatuloy, maaapektuhan ng proyekto ang aabot sa humigit-kumulang 11-libong pamilyang naninirahan sa 28-libong ektaryang lupain at halos 300-ektaryang kagubatan ng Sierra Madre.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,951 total views

 79,951 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,955 total views

 90,955 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,760 total views

 98,760 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,002 total views

 112,002 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,522 total views

 123,522 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top