Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtulong sa mahihirap, pinalakas pa ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 497 total views

Pinalakas ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga hakbang sa pagtulong sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikiisa ng Caritas Philippines at Philippine National Police (PNP) sa launching ng “2022 Bags of Blessing” ng GT Foundations Incorporated (GTFI) at Metrobank Foundation Incorporated (MBFI).

Sa online launching ng proyekto ng isinagawa noong February 01 2022 na maaring mapanuod sa official facebook page ng MBFI ay naging tagapagsalita sina Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Executive Secretary Father Antonio Labiao.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, katulad ng inisyatibo ng Simbahan na “Alay-Kapwa” ay makakatulong ang proyekto upang maibasan ang nararanasang kahirapan ng mamamayan higit na sa pagharap ng Pilipinas sa mga pagsubok ng Pandemya.

“Thank you for keeping us within your extended family. This program is very much in line with our Alay Kapwa’s works of mercy for poverty reduction, especially that the country is still being plagued by the COVID-19 pandemic,” ayon sa Obispo.

Sa pamamagitan ng 2022 Bags of Blessing ay ipamamahagi sa may sampung libong benepisyaryong pamilya na makakatanggap ng Metrobank vouchers ang mga ‘Red Bags’ na nagkakahalaga ng isang-libong pisong grocery items sa dalawampung mga lungsod at lalawigan sa magkakaibang bahagi ng Pilipinas.

“As we’re learning to live with the reality of a different normal brought by the pandemic, the need to aid the indigent becomes more urgent, and our collective capacity to care is tested,” ayon sa mensahe ni GTFI President Alfred Ty sa patuloy na pag-harap ng bansa sa COVID-19 Pandemic.

Mensahe naman ni MBFI President Aniceto Sobrepeña sa ikalawang taon ng proyekto, ito ay alinsunod narin sa mga inisyatibo ng pamahalaan na makatulong upang magkaroon ng suplay ng pagkain ang mga mamamayan higit na ngayong mayroong nararanasang krisis ang buong mundo.

“On our second year of conducting Bags of Blessing amid the pandemic, we aim to contribute to food security in communities hit hardest by the health emergency. This is an extension of the conglomerate’s response in support of the government’s feeding efforts,” pagbabahagi ni Sobrepeña.

Ang 2022 Red Bags of Blessings ay bahagi ng tradisyon sa pagdiriwang ng Chinese New Year, buhat ng magsimula ang inisyatibo ng GTFI at MBFI noong 2009 at 2011 ay umaabot na sa 98-libong mga pamilya sa 198 mga lugar sa Pilipinas ang natulungan ng proyekto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,681 total views

 6,681 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,665 total views

 24,665 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,602 total views

 44,602 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,791 total views

 61,791 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,166 total views

 75,166 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,700 total views

 16,700 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 33,307 total views

 33,307 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top