Mga magsasaka, nangangailangan ng gamot at psychosocial intervention – Bishop Francisco

SHARE THE TRUTH

 242 total views

Maliban sa bigas, malaki pa rin ang pangangailangan ng mga magsasaka na naapektuhan ng matinding tagtuyot na nabiktima rin ng sinasabing marahas na dispersal ng mga awtoridad sa Kidapawan North, Cotabato.

Ayon kay United Methodist Church bishop Ciriaco Francisco, nangangailangan din ng mga gamot ang mga magsasaka dahil sila ay nagkakasakit bunsod ng init.

Maliban pa dito, nangangailangan din ng ‘psychosocial intervention’ ang mga magsasaka dahil sa trauma na kanilang sinapit sa madugong dispersal.

“Nag-o-offer kami sa mga magsasaka, handa kaming tumulong para makipag-usap sila sa kinauukulan kung sila ay nakahanda, yung bigas na dumarating di sapat, dahil gusto ng mga lider pag-uwi ng tao at least merun sila isa o dalawang kabang bigas, mga gamot need din dahil sa nagkakasaikt sa init…psychosocial intervention dahil traumatic sa mga magsasaka ang kanilang nararanasan.” Pahayag ni bishop Francisco sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa obispo, nasa 1,000 pang magsasaka ang nasa labas ng gate ng Methodist Center habang 300 naman ang nasa loob nito sa kasalukuyan matapos na mag-uwian na ang mga ito.

Kinuwestiyon naman ni Bishop Francisco ang paglalagi ng mga pulis sa labas ng gate ng kanilang center sa pagsasabing wala silang karapatan na pagbawalan kung sino ang nais nilang papasukin at palabasin sa gate lalo na ito ay private religious property.

“Yan ang di namin gusto, Ito ay pribadong religious property pero nasa gate sila, ngayong umaga, kakausapin namingsila, bakit naka block sila sa gate namin, wala silang karapatan na harangin nila ang mga papasok at lalabas dito.|” ayon pa sa obispo.

Samantala, inihayag ni Bishop Francisco na binuwag ng sapilitan ng mga pulis ang hanay ng mga magsasaka na nag blockade sa pangunahing lansangan sa Kidapawan City North Cotabato base sa natanggap niyang ulat kayat nagkaroon ng madugong dispersal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,913 total views

 79,913 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,917 total views

 90,917 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,722 total views

 98,722 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,966 total views

 111,966 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,490 total views

 123,490 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 32,199 total views

 32,199 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 111,286 total views

 111,286 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top