Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga manggagawa, pinarangalan ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

 463 total views

Pinarangalan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang mga manggagawa sa nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day.

Namahagi ng tulong ang basilica sa mga construction workers ng Skyway Stage 3 na nakahimpil sa Pandacan Manila. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church ito ay pagkilala sa mga manggagawa na patuloy sa paghahanapbuhay at pagtaguyod ng kanilang pamilya sa gitna ng matinding banta ng coronavirus sa lipunan.

“Ito ay bilang pasasalamat at pagpupugay sa mga manggagawa, construction workers at bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose Manggagawa,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

PSD Toktok

500 manggagawa ang nakatanggap ng tulong tulad ng bigas, groceries, itlog, kagamitang pangkalusugan, tubig at iba pa. Pinamunuan ni Msgr. Hernando Coronel, rector at parish priest ng Quiapo Church kasama ang ang mga lingkod ng basilica ang pamamahagi ng tulong sa mga construction workers.

Una nang hiniling ni Cebu Archbishop Jose Palma na bigyang pagkilala ang mga kasapi ng pamilya na patuloy sa paghahanapbuhay sa gitna ng krisis na naranasan lalo’t halos nasa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ayon sa Department of Labor and Employment.

Iginiit naman sa ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paul II na dapat tulungan ng simbahan ang sektor ng manggagawa na itaguyod ang kanilang mga karapatan at bigyang dignidad sa lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 103,559 total views

 103,559 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 111,334 total views

 111,334 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 119,514 total views

 119,514 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 134,555 total views

 134,555 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 138,498 total views

 138,498 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top