Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Moral responsibility, solusyon sa tambak na basura sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

 1,169 total views

Patatagin ng Diocese of Kalookan ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maturuan ang mga tao sa moral na responsibilidad nito sa pangangalaga sa kalikasan.

Naniniwala si Fr. Octavio Bartiana, Head ng Ecology Ministry ng Diocese of Kalookan na tamang paghubog sa pag-uugali ng bawat tao ang kinakailangan upang masolusyunan ang mga tambak na basura sa Metro Manila.

Ito ay kaugnay sa kasalukuyang problema ng mga residente ng Metro Manila matapos suspendihin ng Department of Environment and Natural Resources ang Philippine Ecology Systems Corporation, ang kompanyang naghahakot ng basura sa Maynila, Malabon, at Navotas.

Ang mananagot n’yan ay ang local government, yung MMDA at saka environment [agency] sa pagpapatupad ng waste management, at sa side ng simbahan ako’y nagsisikap na mabigyan ng kongkretong aksyon ang ugnayan ng local government at simbahan and other NGOs lalo na sa education promotion ng taumbayan,” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Pari, kinakailangan ng mas matibay na implementasyon ng mga lokal na pamahalaan sa ecological solid waste management act at ang pagpapatupad ng paghihiwa-hiwalay o pagsegregate ng mga nabubulok na basura sa maaari pang i-recycle.

Ayon sa datos ng PhilEco, umaabot sa 1,500 tonelada ng basura na katumbas ng 450 truck ang nahahakot ng kumpanya at dinadala sa Navotas Sanitary Landfill kada-araw.

Samantala, patuloy naman ang apela ng simbahang katolika na isabuhay ang turo ni Pope Francis na bawasan ang paglikha ng karagdagang kalat sa paligid, upang hindi magmistulang malawak na tambakan ng basura ang buong daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,309 total views

 47,309 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,397 total views

 63,397 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,788 total views

 100,788 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,739 total views

 111,739 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,945 total views

 162,945 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 106,791 total views

 106,791 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top