Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-ulan, kinakailangan pa sa ilang lalawigan sa Luzon

SHARE THE TRUTH

 217 total views

Nagpapasalamat ang ilang lalawigan sa Luzon sa hatid na ulan ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay Nueva Ecija Social Action Center Former Director Fr. Josix Tolentino, biyaya sa kanilang lugar ang mga pag-ulan lalu’t kinakailangan ito sa kanilang mga pananim partikular na sa mga palayan.

Makakatipid din ayon kay Fr. Tolentino ang mga magsasaka dahil sa hindi na kailangan pang bumili ng gasolina para gumamit ng water pump para sa patubig.

“Bagama’t marami ang naapektuhan ng pag-ulan ngayon, natutuwa kami dito sa ulan kasi kailangang kailangan dito sa amin ang patubig. At makakatipid din ang mga magsasaka dahil mababawasan din ang gastos sa pagbili ng diesel para sa patubig sa mga palayan. Kaya sa amin, maging sa Ilocos ay natutuwa sa pagdating ng ulan dito sa amin,” ayon kay Fr. Tolentino sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang Nueva Ecija ang nangungunang lalawigan sa produksyon ng bigas sa bansa, kabilang din ang North Cotabato, Nueva Viscaya, Isabela, Pangasinan at Ilocos Norte.

Sa tala ng Department of Agriculture, higit sa 4 na bilyong piso ang mga hindi napakinabangang pananim ayon sa Department of Agriculture dahil sa tagtuyot.

Ang Nueva Ecija ay kabilang sa mga lugar sa Luzon na naapektuhan ng nakalipas na tagtuyot kabilang din ang Pangasinan, Tarlac, Zambales, Occidental Mindoro at ang Palawan.

Matatandaang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na bigyang tulong ang mga magsasaka para mapanatili ang suplay ng bigas sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,201 total views

 18,201 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,289 total views

 34,289 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,006 total views

 72,006 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,957 total views

 82,957 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,474 total views

 26,474 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,141 total views

 63,141 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,956 total views

 88,956 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,740 total views

 129,740 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top