Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Palayain ang bansa sa kahirapan, hamon ng House Speaker sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 1,762 total views

Gisingin ang diwa ng kabayanihan, at tumulong sa pagpapalaya ng bansa mula sa kahirapan.

Ito ang mensahe ni Speaker Martin Romualdez bilang pakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kasarinlan.

Kinilala ng mambabatas ang kabayanihan ng mga Filipinong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa ngayon ng bansa.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matuto mula sa aral na iniwan ng ating mga bayani gaya ni Gat Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikan sa Pilipinas.

Panawagan din ni Romualdez na maging sa kasalukuyan panahon ay kinakailangan pa rin ang mga bayani gaya ni Bonifacio subalit hindi para maghimagsik kundi para pangunahan ang paglaban sa kahirapan at kagutuman na nararanasan ng mga Pilipino.

“Laban din ito para wakasan ang kagutuman. Laban para maranasan ang ginhawa sa buhay. Laban para matiyak ang magandang kinabukasan. Maging bayani para iangat ang buhay ng pamilya. Kumilos para maging bahagi ng solusyon sa mga problema ng bayan. Maging bayani para sa bansa at para sa kapwa,” dagdag pa ni Romualdez.

Nangako naman ni Speaker Romualdez na gagawin ng Kamara de Representantes ang mandato upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Nauna ng sinabi ni Speaker Romualdez na mananatiling nakatuon ang atensyon ng Kamara sa pagpasa ng mga panukalang batas upang magpatuloy ang magandang kalagayan ng ekonomiya para sa pakinabangan ng mga Pilipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,115 total views

 25,115 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,783 total views

 33,783 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,963 total views

 41,963 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 37,701 total views

 37,701 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,751 total views

 49,751 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top