16,653 total views
Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon.
Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund.
Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng iba’t ibang programa sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
“I congratulate the Pag-IBIG Fund for launching the Virtual Pag-IBIG Mobile App. This service innovation will significantly help in providing social benefits to our fellow Filipinos,” ayon sa pahayag ni Acuzar.
Pinuri rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang institusyon na makalipas ang apat na dekada ay patuloy ang paglago at paglilingkod sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling disenteng tahanan.
Sinabi ng Pangulong Marcos na ang paglunsad ng mobile app ay naaayon sa mithiin ng kanyang administrasyon na gamitin ang teknolohiya para sa mas mabilis na pagseserbisyo.
“Today, we also welcome the launching of the Virtual Pag-IBIG Mobile Application. The app will bring Pag-IBIG Fund’s services and benefits closer to every Filipino. In line with the unwavering commitment of this administration to digitize and streamline our services,” ani Pangulong Marcos Jr.
Tampok sa mobile application ang iba’t ibang features tulad ng pag-monitor sa buwanang hulog, regular savings, MP2 savings gayundin ang pag-avail ng iba’t ibang loan programs ng Pag-IBIG Fund.
Pinangunahan ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Marilene Acosta ang paglunsad ng mobile app kung saan ayon sa opisyal patunay na mag pinaigting ng institusyon ang pagserbisyo sa halos 15-milyong kasapi ng institusyon.
Sa datos ng Pag-IBIG Fund umabot sa 38-bilyong piso ang kita nito sa unang sampung buwan ng 2022 o mas mataas ng 39 na porsyento kumpara sa kinita noong 2021.