416 total views
Magkakaiba ang pananaw ng mga labor, transport at employers group sa pagsusulong ng National Economic Development Authority (NEDA) ng “4-days Work week” upang maibsan ang pasakit ng napakataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa mga manggagawa.
Ang 4-days work week ay ang panuntunan kung saan ipatutupad ang apat na araw kada linggo at hanggang sampung oras na pagpasok ng mga manggagawa.
Nangangamba ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magdudulot ng karagdagang gastos sa produksyon ang mga manufacturers at kompanya dahil sa pagkaantala ng produksyon ng mga produkto at trabaho ng mga manggagawa.
Ayon pa Kay Sergio Luis Ortiz – Pangulo ng ECOP, maaring gamitin ng mga mapagmalabis na employers ang panuntunan upang bawasan at basta na lamang tanggalin sa trabaho ang kanilang mga manggagawa.
“Mayroon mga disadvantages yan na hindi naman siguro makakatipid sa hinahabol, number 01 baka abusihin ng ibang employers yan unang-una dahil walang bayad ang overtime niyan kung magta-trabaho yung 2 shifts makukuha niya yung target niya, baka matanggal pa sa trabaho yung 3rd shift kasi malaki ang matitipid nila wala na yung 3rd nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ortiz.
Una naming nagpahayag ang Trade Union Conggress of the Philippines (TUCP) na huwag gawing sapilitan ang 4-day work week.
Iginiit naman ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na makakabut ito para sa mga manggagawa ng Pilipinas dahil magbibigay ito ng isang araw na part-time jobs o ibang pamamaraan upang kumita.
Inihayag ni Orlando Marquez – Pangulo ng LTOP,na hindi rin makakasama o makakabawas sa kita ng transport sector ang hakbang.
Nagpahayag rin ang ibat-ibang kagawaran katulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Energy (DOE) sa pagpapairal ng 4-days work week sa parehong mga pribado at pampulikong kompanya.
Unang nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng huwag ng pahirapan pa ang mga manggagawang naranasan ang ibat-ibang suliraning dulot ng pandemya