212 total views
Sinuportahan ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity ang Temporary Restraining Order na isinampa noong ika – 9 ng Marso 2015 sa Korte Suprema ng Council of Teachers and Staff of University of the Philippines o (CoTeSCUP) laban sa full implementation ng K-12.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na dapat ng ilabas ng Supreme ang desisyon nito sa ipinasang TRO ng mga guro isang taon na ang nakalilipas at bago tuluyang maipatupad ang K-12 sa nalalapit na Hunyo na kung saang libo – libong mga guro ang mawawalan ng trabaho.
“Isa po sa mahalagang panawagan ng mga teachers tungkol sa K-12 na desisyunan na ng Supreme Court, may mga kaso sa Supreme Court na ibinigay na kinukwestiyon yung pagpapatupad ng K-12 at yung K-12 mismo. Sana desisyunan na ng Supreme Court yun kasi diyan naka-abang din ang mga pagkilos ng maraming mga teachers kung ano na ang mangyayari sa kanila. Nanawagan pala kami sa Supreme Court na desisyunan na nila itong mga kaso an nakalagay na sa kanila tungkol sa K – 12,” panawagan ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Ikinanatatakot pa ni Bishop Pabillo ang patong – patong na problema na kakaharapin ng mga magulang, estudyante at mga guro sa probinsya lalo na sa inaasahang 1.4 na milyong kabataan na magiging drop –out dahil sa K-12.
“Maraming nagsasabi na K -12 ready sila pero totoo bang ganoon nga sa lahat ng mga lugar lalong – lalo na sa mga probinsya. Dumarami rin ang mga out of school youth natin kasi hindi sila maka-abot sa high school kailangan pa ng dalawang taon. Kailangan pa nilang pumunta sa ibang mga lugar para makapag –aral ng Grades 11 and 12. Kaya tignan pa natin dahil hindi pa plantiyado itong programang ito na magsisimula na ngayong June,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Veritas Patrol.
Tinataya namang nasa mahigit 20 milyon ang kulang na mga libro at modules, nasa mahigit 50 libong guro, nasa mahigit 100 libong classrooms at maging mga paaralan ang malaking kakulangan sa implementasyon ng K-12.
Nauna na ring binanggit Pope Francis sa Catholic Union of Teachers noong Marso ng taong 2015 na mahalaga ang gampanin ng mga guro sa pagapaplago ng kamalayan ng mga kabataan.(Romeo Ojero)