144 total views
Napili ang Caritas Manila na isa sa maging beneficiary ng isasagawang Valentine concert ng LIBERA sa PICC Plenary Hall na gaganapin ngayong araw Pebrero 16 2016.
Ayon kay Philippine Veterans Bank Chairman at dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, layunin ng konsyertong ito na matulungan ang mga mga kabataang iskolar ng Caritas Manila.
Giit pa ng de Ocampo, na ang naturang event ay pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at ng United Kingdom o “Friendship Day” na ipinagridiwang ngayong buwan ng Pebrero.
“Caritas is one of the main beneficiaries ng concert na ito. Sapagkat itong concert na ito hindi namin ginagawa upang magkaroon ng profit. Ginagawa natin ito upang ma-highlight ang friendship between the Philippines and the UK,” bahagi ng pahayag ni de Ocampo sa Radyo Veritas.
Mahalagang pagpapakita aniya ng damayan ng Pilipinas at United Kingdom ay ang pagmamalasakit ng LIBERA sa mga kapus-palad na kabataan ng bansa.
“Ano pa ang mas mahalaga na simbolo ng friendship kundi yung mga kabataan ng UK tutulong sa mga kabataan na medyo may kahirapan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang talento sa pamamagitan ng kanilang konsiyerto. Kaya ang concert na ito ang proceeds nito ay mapupunta sa mga charity katulad ng Caritas,” giit pa ni de Ocampo sa Veritas Patrol.
Nabatid na 5,000 kolehiyong kabataan sa buong bansa ang iskolar ng Caritas Manila sa programa nitong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.
Samantala, pangatlong pagtatanghal na ito ng boys choir sa Pilipinas na hatid ng Philippine Veterans Bank.